^

PM Sports

LA Lakers nakatakas sa Atlanta Hawks

Pang-masa
LA Lakers nakatakas sa Atlanta Hawks
Dinepensahan si LeBron James ng LA Lakers nina Vince Carter at Trae Young ng Atlanta.

LOS ANGELES — Nagsalpak si LeBron James ng 26 points tampok ang kanyang slam dunk para sa winning basket sa 107-106 pagtakas ng Lakers laban sa bisitang Atlanta Hawks.

Nagdagdag si Kyle Kuzma ng 18 points para sa pang-limang panalo ng Los Angeles sa huling anim nilang laro.

Ang layup ni Kuzma ang nagtabla sa Lakers sa 104-104 sa huling 1:34 minuto ng fourth quarter kasunod ang technical foul ni Kent Bazemore sa panig ng Hawks.

Ipinasok ni Kuzma ang technical free throw para sa 105-104 bentahe ng Los Angeles, samantalang nagsalpak ng dunk si Vince Carter para itaas ang Atlanta sa 106-105.

Naimintis ni James ang dalawa niyang free throws, ngunit nakuha ng Lakers ang offensive rebound kasunod ang mintis ni Kuzma at dunk ni James para sa kanilang 107-106 kalamangan.

Pinamunuan ni Taurean Prince ang Hawks sa kanyang 23 points, kasunod ang 21 at 20 markers nina Bazemore at Trae Young, ayon sa pagkakasunod.

Sa New York, tumipa si Terrence Ross ng 22 points, habang humakot si Nikola Vucevic ng 21 points at 14 rebounds para pamunuan ang Orlando Magic sa 115-89 panalo laban sa Knicks.

Humakot naman si Harlem native Mo Bamba ng Orlando ng 15 points at 8 boards sa una niyang NBA game sa Madison Square Garden.

Nagsalpak ang Ma-gic ng season-high na 17 three-pointers mula sa kanilang 42 attempts.

Kumolekta si Enes Kanter ng 16 points at 15 rebounds sa panig ng Knicks.

Sa Houston, nagsalansan si James Harden ng season-high na 40 points at nagdagdag si Chris Paul ng 26 markers para pagbidahan ang 115-103 pananaig ng Rockets kontra sa India-na Pacers.

Ito ang unang home win ng Houston, naisuko ang huli nilang dalawang laro sa isang season-long na five-game road trip.

Binanderahan ni Victor Oladipo ang Indiana, naipatalo ang tatlo sa huli nilang apat na laban, mula sa kanyang 22 points.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with