^

PM Sports

Tinapos na ng San Beda

Francisco Cagape - Pang-masa
Tinapos na ng San Beda

MANILA, Philippines — Tinuluyan na ng San Beda Red Lions ang Lyceum Pirates, 71-56 upang walisin muli ang best-of-three championship series, 2-0 kahapon sa Season 94 NCAA basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito na ang ikalawang sweep ng Red Lions sa Pirates sa NCAA finals na nagawa rin nila noong nakaraang taon.

Sa pagkakataong ito, nasungkit din ng Mendiola-based team ang ikalawang three-peat na huli nilang ginawa noong noong 2006-2008.

Kahit nagbalik ang 93rd season MVP CJ Pe-rez mula sa one-game suspension, hindi pa sapat ang kanyang ipinakitang husay laban sa solidong depensa at opensa ng Red Lions kung saan nagpakawala sila ng 7-of-9 shooting sa three-point (75%).

Umabot pa sa 13 puntos ang bentahe ng Red Lions, 61-48 sa undergoal follow-up ni Donald Tankoua mula sa mintis ni Robert Bolick mahigit 5:02 na lamang ang natitira at lumobo sa unang pinakamalaking 66-50 bentahe sa triple ni Clint Doliguez sa huling 2:04 ng laro.

Kahit may 33 segundo pang nalalabi, lumapit na si coach Topex Robinson ng Lyceum kay Boyet Fernandez ng San Beda para sa tradisyonal na handshake simbolo ng pagtanggap ng kabiguan, ang kanilang ikalawang sunod na runner-up finish sa likuran ng Red Lions simula ng sumali noong 2011.

Sa junior’s division, bumawi rin ang Mapua Red Robins laban sa CSB-LSGH Greenies, 85-76 upang humirit pa ng winner-take-all match sa Huwebes.

Umiskor si Dan Arches ng 22 puntos kabilang ang 6-sunod sa 11-3 run sa fourth quarter habang si Jonnel Policarpio ay umani ng 14 puntos.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with