^

PM Sports

Estatwa ni Samboy Lim pinasinayaan

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Estatwa ni Samboy Lim pinasinayaan
Avelino Lim

MANILA, Philippines — Lalong tumatag ang legacy ni Philippine Basketball Association (PBA) legend Avelino ‘Samboy’ Lim dahil sa makasaysayang estatwang itinayo para sa kanya sa Valenzuela City.

Pinasinayaan ang naturang ‘Skywalker’ statue ng solidong basketball fan na si Congressman Eric Martinez kasama ang mga dati ring PBA players na sina Allan Caidic at Gerry Esplana na dating konsehal din sa Valenzuela.

Dumalo sa makasay-sayang groundbreaking ceremony bilang mga kinatawan ni Lim ang asawa’t anak nitong si Darlene Marie at Jamie Christine, ayon sa pagkakasunod.

Sukli ito ng Valenzuela sa mga ambag ng 56-an-yos na si Lim sa Philippine basketball bilang isa sa pinakamagaling at pinakasikat sa kasaysayan.

Matapos ang kanyang National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Letran, napili si Lim bilang third overall pick noong 1986 PBA Rookie Draft ng San Miguel kung saan siya nagpakilala dahil sa kanyang mga high-flying moves hanggang sa mabansagan na ‘SkyWalker’.

Bagama’t naglaro din sa Sta. Lucia at Welcoat, sa Beermen binuno ni Lim ang katagalan ng kanyang 12-taong PBA career na nagresulta sa siyam na kampeonato, limang all star selection, dalawang mythical team selection at all star Most Valuable Player.

Bahagi rin si Lim ng makasaysayang grandslam championship ng Beermen sa ilalim ni head coach Norman Black noong 1989. 

vuukle comment

AVELINO LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with