Lusot ang layup ni LeBron James ng LA Lakers kontra kay Jimmy Butler ng Minnesota
Lebron, Kuzma nagtulong
(Pang-masa) - November 9, 2018 - 12:00am

LOS ANGELES — Nagposte si LeBron James ng 24 points, 10 rebounds at 9 assists at humugot si Kyle Kuzma ng anim sa kanyang 21 points sa dulo ng final canto para pamunuan ang Lakers sa 114-110 pagdaig sa Minnesota Timberwolves.

Nagdagdag si Josh Hart ng 21 points habang may 20 markers si Brandon Ingram para sa Lakers, nauna nang natalo sa Timberwolves siyam na araw na ang nakakalipas.

Ang ikaapat na three-point shot ni Kuzma ang nagbigay sa Lakers ng 111-104 abante sa huling 1:51 minuto kasunod ang magkasunod na triple ni Derrick Rose para idikit ang Timberwolves sa 110-111 sa natitirang 1:06 minuto sa laro.

Isinalpak ni Kuzma ang isa sa dalawa niyang free throws sa nalalabing 9.5 segundo habang humablot naman ng dalawang krusyal na offensive rebounds si Tyson Chandler, nagtala ng 9 boards para sa kanyang Lakers debut.

Ang depensa ni Chandler ang nagresulta sa mintis na 3-point attempt ni Rose para sa Minnesota kasunod ang dalawang charities ni Hart para selyuhan ang panalo ng Los Angeles.

Sa Sacramento, kumolekta si Kawhi Leonard ng 25 points at 11 rebounds sa kanyang pagbabalik mula sa ankle injury para akayin ang Toronto Raptors sa 114-105 paggupo sa Kings.

Sa Salt Lake City, humataw si Donovan Mitchell ng 23 points, 7 assists at 5 rebounds sa pagbabalik niya sa aksyon mula sa ankle injury para banderahan ang Utah Jazz sa 117-102 panalo laban sa Mavericks.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with