Dumipensa sina Kalei Mau at Arian-na Angustia ng Cocolife sa atake ni Kim Dy ng F2 Logistics.
PSL photo
F2 Logistics No. 1 pa rin
Chris Co (Pang-masa) - November 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mabilis na pinataob ng F2 Logistics ang Cocolife, 25-13, 25-16, 25-8 upang manatili sa tuktok ng standings sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Beast mode na naman si middle hitter Aby Maraño na pumalo ng 16 puntos mula sa 10 attacks, tatlong blocks at tatlong aces para buhatin ang Cargo Movers sa ikatlong sunod na panalo.

“Yung maturity talaga (ang nagdala sa amin). I think kapag matured ka na alam mo kung paano kokontrolin yung bola sa loob ng court and at the same time, marunong ka rin magbasa ng laro ng kalaban during transition at mahabang rally,” ani Maraño.

Nagdagdag naman si opposite hitter Kim Kianna Dy ng 12 hits habang may 10 markers si middle blocker Majoy Baron at siyam naman galing kay team captain Cha Cruz-Behag sa larong tumagal lamang ng isang oras.

Napigilan ng Cargo Movers ang produksiyon ni Asset Managers ace spiker Kalei Mau na nalimitahan sa limang puntos mula sa kaniyang dating double-digit effort.

“Sa kaniya ‘yung 70 percent ng bola kaya talagang inaral namin siya dahil malakas siya, matalino siya, magaling siya maglaro. Sinabi lang namin na kaya namin makukuha namin ang bola,” ani Cargo Movers playmaker Kim Fajardo na gumawa ng 18 excellent sets kasama ang apat na attacks at isang block.

May pinagsama-samang siyam na puntos sina Alex Tan, Arianne Angustia, Gyra Barroga, at Mary Grace Berte para sa Asset Managers na lumasap ng ikatlong dikit na kabiguan.

Halimaw ang Cargo Movers na dinomina ang lahat ng scoring department kabilang na ang attack line tangan ang 49 hits laban sa 13 lamang ng Asset Managers.

Nakakuha rin ang F2 Logistics ng 5-1 bentahe sa blocks at 6-3 abante sa service area.

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with