^

PM Sports

Rain Or Shine, Almazan OK na

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Rain Or Shine, Almazan OK na
Raymond Almazan

MANILA, Philippines — Naplantsa na ng Rain or Shine managament ang gusot kay Raymond Almazan matapos mag-usap ang dalawang kampo kamakalawa sa opisina ng koponan sa Pasig City.

Kasama sa naturang pag-uusap ang asawa ni Almazan na si Lisa, agent na si Danny Espiritu gayundin ang pamunuan ng Elasto Painters management sa pangunguna ni co-owner Raymund Yu, governor Atty. Mamerto Mondragon, alternate governor Edison Oribiana at head coach Caloy Garcia.

Hindi nagtagal ang krusyal na usapan dahil nagka-ayos agad ang dalawang panig lalo na sina Almazan at Garcia na humantong sa kasunduang magbabalik na sa koponan si Almazan.

Magugunitang nitong simula ng buwan huling nagparamdam si Almazan sa koponan bago ang laban nila kontra sa Alaska noong Oktubre 3.

Buhat noon ay na-ging ‘missing in action’ na siya sa koponan at nakaliban na sa anim na laro ng Elasto Painters na nasadlak sa 2-6 kartada ng idinaraos na season-ending conference.

Nauna nang ipinaalam ni Almazan na family emergency ang dahilan bago nga lumutang ang ulat na ang hindi nila pagkakaunawaan ni Garcia ang tunay na ugat ng paglayo niya sa Rain Or Shine.

Subalit hindi na sa natitirang bahagi ng Governors’ Cup dahil sa mababang tsansa ng Elasto Painters na makapasok sa playoffs.

Sa halip, sa susunod na buwan na babalik sa ensayo ang dating National Collegiate Athletic Association (NCAA) Most Valuable Player mula sa Letran na si Almazan para sa pagsisimula ng training camp ng koponan para sa 2018-2019 PBA Season, ayon sa naging usapan ng dalawang panig.

Nilinaw din ng ROS management na wala silang balak i-trade ang 6’8 center na malaking bahagi ng kanilang koponan bilang pinaka-pambatong big man.

Interesado ang anim na PBA teams lalo na sa kainitan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Rain Or Shine at ni Almazan na isa ring miyembro ng Gilas Pilipinas.

vuukle comment

RAYMOND ALMAZAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with