^

PM Sports

Handa na ang San Beda

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ng nagdedepensang San Beda Red Lions ang kanilang kahandaan sa semifinal round matapos magwagi laban sa Perpetual Help Altas, 80-72 kahapon sa huling araw ng elimination phase sa Season 94 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Umalagwa sina Donald Tankoua, Jeramer Cabanag at Robert Bolick ng 9-0 run sa huling limang minutos para umangat sa 80-71 bentahe mula sa 71-71 tabla tungo sa kanilang pang-17th panalo sa 18 laro sa double round elimination.

Ang tanging talo lamang ng three-peat seeking Red Lions ay sa Lyceum Pirates, 66-73 sa first round ng elims noong Agosto 21.

Umani si Tankoua ng 23 puntos at sampung rebounds habang si Bolick ay tumulong ng 12 at limang rebounds at 16 naman mula kay Cabanag para sa kanilang ikalawang panalo sa Altas sa taong ito, ang una ay 67-65 noong Hulyo 7.

Pagkatapos ng elims, nangunguna ang San Beda sa 17-1 win-loss kartada kasunod ang Lyceum sa 15-3 habang ikatlo ang Letran sa 13-4 at pang-apat naman ang Perpetual Help Altas sa 11-7 slate.

Makakaharap ng No. 1 Red Lions ang No. 4 Altas sa semis at ang No. 2 Lyceum kontra sa No. 3 Letran sa ibang semis match simula sa Biyernes kung saan ang San Beda at Lyceum ay parehong tangan ang twice-to-beat advantage.

Sa ibang laro, tinapos ng San Sebastian Stags ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 91-63 panalo laban sa Arellano Chiefs para makuha ang pang-anim na panalo sa 18 laro. Ang Chiefs ay bumaba sa 5-13 card.

Humataw si Michael Calisaan ng double-double performance sa kanyang 24 puntos at 12 rebounds sa huli niyang laro sa NCAA.

“Surely, we will miss Michael. Yung leadership niya sa team is something na mami-miss ng team,” sabi ni SSC-R coach Egay Macaraya.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with