^

PM Sports

BanKo-Perlas nais bumalik sa dating porma

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makabalik sa porma ang hangad ng BanKo-Perlas sa pagharap nito sa Iriga-Navy sa paglarga ng second round ng eliminasyon ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang bakbakan ng Perlas Spikers at Lady Oragons sa alas-4 ng hapon na susundan ng duwelo ng three-time champion Pocari-Air Force at Tacloban Fighting Warays sa alas-6 ng gabi.

Matapos walisin ang kanilang limang unang asignatura, lumasap ng dalawang sunod na kabiguan ang BanKo Perlas para mahulog sa ikalawang puwesto tangan ang 5-2 marka kasalo ang Ateneo de Manila University (5-2).

Naiwan sa tuktok ang reigning Reinforced Conference winner Creamline na may 6-1 kartada habang nakatali sa No. 4 ang Pocari-Air Force at Petro Gazz na may magkatulad na 4-3 marka kasunod ang Tacloban na nakasakay sa 3-4 rekord.

Inaasahang reresbak sa pagkakataong ito sina Dzi Gervacio, Nicole Tiamzon, Kathy Bersola, Sue Roces at Joy Dacoron para maibalik ang Perlas Spikers sa winning form.

Galing ang BanKo Perlas sa 5-set loss sa Pocari-Air Force noong Linggo kaya’t gigil itong maka-bawi laban sa Iriga-Navy.

Sa kabilang banda, pinutol ng Lady Oragons ang six-game losing skid nito matapos pabagsakin ang Adamson University para sumampa sa win column tangan ang 1-6 marka.

Magpapasabog ng malakas na puwersa si Grazielle Bombita habang kukuha ito ng solidong suporta mula kina veteran spikers Joanne Bunag at Nene Bautista gayundin kina  Hezzymie Acuña, Divine Eguia at May Madulid.

Pakay naman ng Po-cari-Air Force na makaresbak sa Tacloban.

Natalo ang Lady Warriors sa Fighting Warays sa kanilang unang pagtatagpo sa first round noong Sabado.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with