^

PM Sports

Nalalapit ang pagbabalik ni Fajardo

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malapit nang bumalik sa pagsasanay si four-time Most Valuable Player June Mar Fajardo upang tulu-ngan ang koponang San Miguel sa kampanya nito sa umiinit na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup.

Ito ay matapos matanggal na sa wakas ang kanyang walking boot na naging alalay niya sa paglala-kad sa loob ng dalawang buwan.

Nakatakda sa isa pang check-up ngayon ang 6’10 na Beermen center upang malaman kung maaari na ba siyang bumalik sa ensayo.

Magugunitang na-sideline sa loob ng dalawang buwan si Fajardo simula pa noong Agosto makaraang magtamo ng right shin injury matapos ang Commissioner’s Finals kontra sa Barangay Ginebra.

Nakaliban sa walong laro ng Beermen si Fajardo na nagresulta sa 4-4 kartada ng koponan matapos ang krusyal na 107-96 tagumpay kontra sa karibal na Talk ‘N Text.

“There’s no exact date on June Mar’s return but we’re hoping he can play once we get into the playoffs,” ani SMB head coach Leo Austria.

Bagama’t wala pang eksaktong petsa kung kailan babalik ang kanilang pambatong big man, tiwala naman si Austria na makakapasok sila sa playoffs lalo’t nakasakay sila sa two-game winning streak.

Nasa solong ikaanim na puwesto ngayon, may tsansa rin ang SMB na makaakyat hanggang sa top four para sa twice-to-beat incentives sa quarterfinals.

“Maganda ang itinaktabo ng team ngayon kahit wala pa si June Mar. We have a good chance. And also, we don’t want to risk him na hindi pa sya 100% kahit gusto niya na talagang maglaro,” dagdag ni Austria.

Bukod sa matulungan ang koponan, kinakailangan din maglaro ni Fajardo ng maski isang laro para sa Beermen upang mapormalisa ang kanyang ikalimang MVP award.

Hangad ng Beermen ang ikatlong sunod na panalo kontra sa Northport sa Miyerkules bago ang huling dalawang laban nito kontra sa Rain or Shine at Meralco.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with