^

PM Sports

Home debut ni LeBron nasapawan ng rambulan

Pang-masa
Home debut ni LeBron nasapawan ng rambulan
Inaawat ni LeBron James ng Lakers si Chris Paul ng Rockets sa pakikipagsuntukan kay Rajon Rondo.

LOS ANGELES - Nang magsimulang umulan ng mga suntok sa dulo ng fourth quarter ay naging un­dercard na lamang ang home debut ni NBA superstar LeBron James para sa Lakers.

Inagaw nina Houston Rockets point guard Chris Paul at Rajon Rondo at Brandon Ingram ng Lakers ang spotlight mula kay James nang masangkot sa ram­­bulan.

Ngunit nanatili sa kanilang isipan ang Houston at tinalo ang Los Angeles, 124-115, tampok ang 36 points ni James Harden.

Tumapos naman si Paul na may 28 points, 10 assists at 7 rebounds para sa tagumpay ng Rockets bago napatalsik sa laro.

Tabla ang laro sa huling limang minuto ng fourth pe­riod bago natawagan ng foul si Ingram dahil sa kanyang mahigpit na pagdepensa kay Harden.

Itinulak ni Ingram si Harden at kinompronta si re­­feree Jason Phillips matapos makuha ang kanyang technical foul.

Sa sumunod na sandali ay dinuro naman ni Paul sa mukha si Rondo na gumanti ng suntok sa panga ng Rockets point guard.

Nagpakawala ng suntok si Ingram habang nagka­ka­gulo, habang inilayo naman ni James ang kaibi­gang si Paul sa pakikipagsuntukan kay Rondo.

Sinabi ni Paul na dinuraan siya sa mukha ni Rondo na pinabulaanan naman ng veteran guard.

“Unacceptable,” sabi ni Houston veteran forward Car­melo Anthony. “We all know what happened. Ain’t no need to keep going back and forth about that. What hap­pened was unacceptable. It shouldn’t have happened.”

Sa pagbabalik ng aksyon ay nagsalpak naman si Harden ng isang three-pointer para sa unang tagum­pay ng Rockets sa season.

Kumolekta si James ng 24 points, 5 rebounds at 5 assists, habang humakot si JaVale McGee ng 16 mar­kers at 6 rebounds sa kanyang Lakers home debut at nag-ambag si Rondo ng 13 points at 10 assists.

Sa Portland, humataw si Damian Lillard ng 29 points, habang may 24 markers si CJ McCollum para pa­munuan ang 121-108 paggupo ng Trail Blazers sa San Antonio Spurs.

Umiskor si DeMar DeRozan ng 28 points sa pa­nig ng Spurs, nagmula sa 112-108 panalo laban sa Min­nesota Timberwolves.

Sa Dallas, naglista si Luka Doncic ng 26 points sa kanyang home debut, samantalang isinalpak ni Den­nis Smith Jr. ang tiebreaking three-point play sa huling anim na segundo para iligtas ang Mavericks kon­tra sa Minnesota Timberwolves, 140-136.

Kumolekta si star center DeAndre Jordan ng 22 points, 10 re­bounds at 5 blocks para sa Dallas.

Sa iba pang laro, pinabagsak ng Indiana Pacers ang Brooklyn Nets, 132-112; tinalo ng Toronto Raptors ang Washington Wizards, 117-113; nilusutan ng Boston Celtics ang New York Knicks, 103-101; pina­tumba ng Phoenix Suns ang Denver Nuggets, 119-91; at tinakasan naman ng Philadelphia 76ers ang Or­lando Ma­gic, 116-115.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with