Tacloban sinorpresa ang Pocari
MANILA, Philippines — Napigilan ng Tacloban ang paghahabol ng three-time champion na Pocari-Air Force para ilusot ang 18-25, 25-20, 25-22, 20-25, 15-9 panalo sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nakakuha ng puwersa ang Fighting Warays mula kina Dimdim Pacres at Jovielyn Prado para kubrahin ang ikatlong panalo sa pitong laro.
Nagsumite si Pacres ng 21 points mula sa 18 attacks kabilang ang game-winning off-the-block hit at 3 blocks para pamunuan ang opensa at depensa ng Tacloban.
Malaki ang kontribusyon nina outside hitter Heather Guinoo at at dating NCAA MVP Shola Alvarez gayundin si playmaker Kyle Negrito na siyang nagmando sa opensa ng Fighting Warays.
Solido rin ang net defense ng Tacloban para pigilan ang pagbangon ng Pocari-Air Force sa pangunguna nina dating MVP Myla Pablo at middle hitter Del Palomata.
- Latest