^

PM Sports

‘Heart-to-heart’ talk nina Garcia at Almazan

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maghaharap bukas si­na Rain or Shine coach Caloy Garcia at center Ray­mond Almazan sa isang personal na pagpu­pu­long para mapag-usa­pan at maplantsa ang anu­­mang gusot ang mayroon sa kanila sa gitna ng kam­panya ng koponan sa 2018 PBA Governor’s Cup.

Si Atty. Mamerto Mon­dragon, ang team governor ng Elasto Pain­ters, mismo ang nagtak­da ng paghaharap ng da­lawa.

Sa naunang pagpupu­long ay idinaing ng 2013 third overall pick na may hindi sila pagkaka­unawaan ni Garcia na siyang dahilan ng kanyang pag-AWOL ng higit isang linggo.

Kumpirmasyon ito sa nauna na ring ulat na lu­miban si Almazan sa trai­ning camp ng Rain or Shine hindi dahil sa family emergency kundi dahil sa sigalot nila ni Garcia.

Kasama rin sa pulong si Danny Espiritu, ang manager ni Almazan.

Magugunitang na­ging ‘Missing In Action’ si Al­mazan sa Rain or Shine si­mula noong Oktu­bre 3.

Nakaliban na siya sa li­mang laro ng Elasto Painters na dahilan ng pag­sadsad ng koponan sa 2-5 kartada sa season-en­ding conference.

Sa kabila ng hindi pag­­kakaunawaan ay ipi­na­­ngako ni Almazan kay Mondragon na babalik si­­ya sa koponan.

Ang kontrata niya ay hanggang sa Agosto 31, 2019.

vuukle comment

CALOY GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with