^

PM Sports

Beermen pinatumba ang Texters sa Calasiao

Russell Cadayona - Pang-masa
Beermen pinatumba ang Texters sa Calasiao
Pinayungan nina Marcio Lassiter at import Kevin Murphy ng San Miguel si Marqus Blakely ng TNT Katropa.
PBA Images

MANILA, Philippines — Sa isang iglap ay na­kabangon ang San Mi­guel mula sa 11-point de­­­ficit sa fourth quarter pa­­ra ilista ang ikalawang sunod na panalo.

Kumolekta si import Ke­vin Murphy ng 27 points, 10 rebounds at 9 assists para pangunahan ang 107-96 pagresbak ng Beermen laban sa TNT Katropang Texters sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Calasiao Sports Center sa Panga­sinan.

Humugot si Murphy, naglaro para sa Utah Jazz a NBA, ng 11 mar­kers sa pagratsada ng San Miguel sa final canto patungo sa pagtatala ng 4-4 baraha.

Napigilan naman ang tatlong dikit na arangkada ng TNT Katropa para sa kanilang 4-5 marka.

Ang basket ni PBA Best Import Marqus Blakely ang nagbigay sa Tro­pang Texters ng 86-75 bentahe sa 9:46 minuto ng fourth period.

Unti-unting na­kalapit ang Beermen hanggang tu­luyang ma­agaw ang 91-90 bentahe galing sa tirada ni Chris Ross patungo sa paglilista ng 101-92 ka­lamangan mula sa tres ni Murphy sa natitirang 1:22 minuto.

Isinalpak ni Murphy ang kanyang ikalawang triple sa final canto para kumpletuhin ang pagba­ngon ng tropa ni coach Leo Austria.

Nagdagdag si Christian Standhardinger ng 21 points para sa San Mi­­­guel kasunod ang 18, 13, 12 at 10 markers nina Ar­wind Santos, Lassiter, Kel­ly Nabong at Ross, ayon sa pagkakasu­nod.

Pinamunuan ni Blakely ang TNT katropa mula sa kanyang 26 points, ha­bang nag-ambag ng 21 at 18 markers sina RR Po­goy at Terrence Romeo.

Samantala, maghihi­walay ng landas ang Alas­ka at Blackwater sa ka­­­nilang pagkikita nga­yong alas-6:45 ng gabi ma­­tapos ang laro ng Rain or Shine at Meralco sa alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

vuukle comment

BEERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with