^

PM Sports

Ateneo, adamson asam ang pang-pitong panalo

Francisco Cagape - Pang-masa
Ateneo, adamson asam ang pang-pitong panalo
Thirdy Ravena

Ravena at Tolentino suspendido sa laro ngayon

MANILA, Philippines – Hangad ng co-lea­ders na Adamson Uni­ver­sity at Ateneo De Ma­nila University na bu­mawi sa kanilang first round tormentors sa magkahiwalay na laro sa Season 81 UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Co­liseum.

Haharapin ng Soa­ring Falcons ang De La Salle Green Archers nga­yong alas-2 ng ha­pon habang magtatagpo naman ang nagdedepen­sang Blue Eagles at Far Easten University Tamaraws sa alas-4 ng hapon.

Kahit pa sa kanilang tig-dalawang talo sa first round ay nagsosyo pa rin ang Adamson at Ateneo sa liderato sa parehong 6-2 kartada kasunod ang FEU at La Salle sa magkatulad na 5-3 marka at University of Sto. Tomas na may 4-4 baraha.

Sa una nilang pagtatagpo ay nagwagi ang Tamaraws sa Blue Eagles, 63-60, noong Oktubre 10 kahit wala si Arvin Tolentino dahil sa suspensyon at sina Hubert Cani, Jasper Parker, Anton Iñigo, Wendell Comboy at Prince Orizu lamang ang kumayod.

Nag-ambag ng kabuuang 46 points ang limang starters ng FEU para hiyain ang Ateneo.

Patuloy pa rin ang pagkawala ni Tolentino sa Tamaraws dahil sa ipinataw ng UAAP na two-game suspension bunga sa ikalawang disqualifying foul sa laban nila kontra sa Tigers.

Pero hindi rin makakalaro si Thirdy Ravena para sa Ateneo bunga sa one-game suspension dahil sa nakitang closed fist na tumama sa dibdib ni Paul Desiderio sa laro nila laban sa UP.

Sa iba pang laro, asam din ng Soaring Falcons na bumawi sa kanilang 78-79 overtime loss sa mga kamay ng Green Archers noong Oktubre 13.

Si Jerrick Ahanmisi at Sean Manganti ay nagtala ng pinagsamang 50 points, 14 rebounds at 5 assists para sa kabiguan ng Adamson kontra sa La Salle.

 

vuukle comment

ADAMSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with