^
Para Gamers bibigyan ng insentibo sa Nob. 6
Ang mga miyembro ng Team Philippines na sumabak sa 2018 Asian Para Games.
Joey Mendoza

Para Gamers bibigyan ng insentibo sa Nob. 6

Francisco Cagape (Pang-masa) - October 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang lahat na nag-uwi ng medalya sa nakaraang 2018 Asian Para Games ay tatanggap ng cash incentives ba­se sa Republic Act 10699 (Na­tional Ath­letes and Coa­ches Be­nefits and In­centives Act 2001).

Sinabi ni Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez na gaganapin sa Malacañang sa Nobyembre 6 ang pag­bibigay ng nasabing cash rewards.

Sa Section 8 ng natu­rang batas, ang gold me­dalists ay tatanggap ng P1 milyon at P500,000 naman sa silver meda­lists, habang ang bronze medalists ay bibigyan ng P200,000.

Ang Team Philippines sa pangunguna ni swimmer Erwin Ga­wilan ay nag-uwi ng 10 golds, 8 silvers at 11 bronzes sa 18th Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia kamakailan.

Nahigitan ng tropa ang kanilang 5 silvers at 5 bronzes na napanalunan sa 2014 edisyon sa Incheon, South Korea.

ASIAN PARA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with