^

PM Sports

Pacquiao-Broner fight sa Enero

Chris Co - Pang-masa
Pacquiao-Broner fight sa Enero
Manny Pacquiao at Adrien Broner

MANILA, Philippines — Si American world four-division champion American Adrien Broner ang sunod na makakala­ban ni reigning WBA wel­terweight titlist Manny Pacquiao.

Ito ang kinumpirma ni Pacquiao kamakalawa ng gabi kung saan gumu­gulong na aniya ang ne­go­sasyon na nasa 90 porsiyento na.

“Broner, Adrien Broner,” ani Pacquiao nang ta­nungin ito sa kanyang susunod na kalaban.

Pinag-aaralan ng mag­­kabilang kampo ang Ene­­ro 12 o 19 na petsa ng laban na posibleng ganapin sa Las Vegas, Nevada.

“It is almost final but it is not yet there. Mga 90 percent na,” anang People’s Champion.

Ipagtatanggol ni Pacquiao ang kaniyang WBA welterweight belt na na­pa­nalunan niya matapos itarak ang seventh-round technical knockout win laban kay Lucas Matthysse no­ong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Naitanong rin ang re­match kay undefea­ted American Floyd May­wea­ther, Jr. ngunit tikom ang bibig nito.

Nais ni Pacquiao na isentro muna ang atensyon niya sa kanyang laban sa Enero.

“I still have a fight in January. Basta laban lang tayo. Floyd Mayweather is coming back, handa lang tayo so we’ll discuss it after the fight in January,” ani Pacquiao.

Sakaling matuloy ang Pacquiao-Mayweather rematch ay target ng Pinoy champ na ganapin ito sa Cinco de Mayo (May 5) o sa Hulyo.

“Focus muna ako sa fight ko sa January kung matuloy man iyan (Pacquiao-Mayweather rematch), gusto ko sa Cinco De Mayo or sa July,” ani Pacquiao.

Nauna nang isiniwalat ni Mayweather noong Set­yembre na magbaba­lik siya sa ring para ha­rapin si Pacquiao sa isang rematch.

vuukle comment

ADRIEN BRONER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with