^

PM Sports

Wala nang atrasan kay Yeng Guiao

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Wala nang atrasan kay Yeng Guiao
Yeng Guiao

MANILA, Philippines — Wala nang atrasan para kay Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao sa pagtakbo nito sa Kongreso matapos pormal na magsumite ng kanyang Certificate of Candidacy kamakalawa.

Hangad ni Guiao na makabalik sa Kamara matapos matalo sa re-election noong 2016 sa karibal na si Carmelo Lazatin noong 2016.

Nagsisilbi noong Congressman ng First District ng Lalawigan ng Pampanga, nabigo si Guiao na makakuha ng ikalawang.

“Simple lang. Hindi naman bongga yung filing ko noong Lunes ng umaga tapos simple lunch lang after with the family. Ganun lang naman,” ani Guiao na nagsisilbi ring head coach ng NLEX sa Philippine Basketball Association (PBA). “Tuloy na ito. Wala nang atrasan.”

Ang kasalukuyang kinatawan ng Unang Distrito ng Pampanga na si Lazatin ulit ang makakalaban ni Guiao sa 2019 mid-term election.

“Yung incumbent ulit, si Lazatin. Dalawa lang kami. One on one lang ‘yan,” dagdag ni Guiao.

Bago maging Kongresista ay nagsilbi na ring Vice Governor ng Pampanga si Guiao sa loob ng siyam na taon habang nagsisilbi ring head coach sa iba’t ibang koponan tulad ng Red Bull, Burger King at Rain or Shine.

Ito ang dahilan kaya’t hindi na magiging bago ang double duty para kay Guiao na siyang inaasahang humawak na ng national team na Gilas Pilipinas simula ngayon.

Pormal na alok na lamang ang inaabangan ni Guiao mula sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

vuukle comment

YENG GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with