At home si Nance Jr. sa Cavs
CLEVELAND — Tiningnan ni Larry Nance Jr. ang mga taong nasa gym at alam niyang tama ang kanyang naging desisyon na manatili.
“I’m one of you guys,” wika ni Nance. “I really am. I’m a Cleveland guy at heart.”
Pumirma si Nance sa $44.8 million, four-year contract extension para patuloy na maglaro sa Cavaliers, ang koponan kung saan bumida ang kanyang amang si Larry, Sr.
Ginawa ito ni Nance sa harap ng mga Cavaliers employees sa indoor practice court sa Quicken Loans Arena.
Matapos ipakilala ni general ma-nager Koby Altman ay pinasalamatan ni Nance ang kanyang basketball family.
“I haven’t come up with the word for it yet,” sabi ni Nance, nakasuot ng T-shirt na may nakasulat na “HOME” sa harap. “Surreal doesn’t even cut it. I grew up here. I grew up in this building watching my dad play. To re-up here for four more years and get to wear the (number) 22 in the city of Cleveland, I can’t put it into words.”
Sumama ang 25-anyos na si Nance sa Cavs sa gitna ng nakaraang season matapos ang nangyaring trade sa Los Angeles Lakers kasama si Fil-Am guard Jordan Clarkson.
Natulungan niya ang Cleveland na makarating sa ikaapat na sunod na NBA Finals kung saan isa siya sa mga core players kasama ni LeBron James.
Katulad ni James, si Nance ay isa ring Akron native.
“I was the only person to live in LA and vacation in Cleveland,” wika ni Nance. “Now I can vacation where I live.”
Nagtala si Nance ng mga averages na 8.9 points at 7.0 rebounds sa 24 games sa nakalipas na season at inaasahang makakatuwang ni Tristan Thompson sa frontline.
- Latest