^

PM Sports

De Ocampo babalik na

Pang-masa
De Ocampo babalik na
Ranidel De Ocampo

MANILA, Philippines — Inaasahang magbabalik na ngayong linggo si Ranidel De Ocampo sa Meralco Bolts upang tulungan ang koponan na maisalba ang kampanya sa papatapos nang 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Go-vernors’ Cup.

Iyan ang sinigurado ni head coach Norman Black dahil nakatakdang magsanay na muli si De Ocampo ngayong linggo.

“We are hoping to get Ranidel back soon maybe for our games this weekend,” aniya.

Subalit depende pa ito sa magiging kondis-yon ni De Ocampo na isang buwan nang hindi nakalaro.

Magugunitang bago bumiyahe ang Meralco Bolts sa Nonthaburi, Thailand noong nakaraang Setyembre 18 hanggang 23 ay nagtamo ng calf injury si De Ocampo na siyang dahilan ng hindi niya pagkakasama sa line-up ng koponan sa 2018 International Basketball Federation (FIBA) Asia Champions Cup.

Kahit wala siya gayundin si Jared Dillinger (quad injury) ay nagawa pa rin nilang magtapos sa ikaapat na puwesto ng prestihiyosong Cham-pions Cup.

Bagamat back-to-back Finalist, naging taliwas ito sa kampanya ng Bolts PBA Governors’ Cup dahil nasa ibabang bahagi sila ng team standings hawak ang 2-6 kartada, tatlong laro nalang ang nalalabi sa elimination round.

Sa isang punto pa nga sa pagkawala nina De Ocampo at Dillinger ay nasadlak sila sa anim na sunod na kabiguan bago napatid ito ng 108-105 panalo nila kamakalawa kontra sa NLEX.

Nagrerehistro ng 6.67 puntos at 3.67 rebounds sa tatlong laro, posibleng makabalik na si De Ocampo sa krusyal na laban ng Meralco kontra sa Magnolia sa Biyernes.

Ang isa pang pilay na pambato ng Bolts na si Dillinger ay nananatiling indefinitely out, ayon kay Black bunsod ng iniinda pa ring quad injury bukod pa ang bone spur removal ope-ration noon pang Commissioner’s Cup.

vuukle comment

RANIDEL DE OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with