^

PM Sports

‘Di nakaligtas si Abueva

Russell Cadayona - Pang-masa
�Di nakaligtas si Abueva
Calvin Abueva

MANILA, Philippines — Kagaya ng dapat asahan, hindi nakalusot sa PBA Commissioner’s Office ang mga magaspang na ikinilos ni Phoenix small forward Calvin Abueva sa nakaraan niyang dalawang laro sa 2018 PBA Governor’s Cup.

Kahapon ay pinatawan ng PBA si Abueva ng multang P10,000 dahil sa magkahiwalay na insidenteng kinasangkutan ng dating kamador ng San Sebastian Stags sa NCAA.

Ipinatawag ang 6-foot-2 na si Abueva ni PBA Commissioner Willie Marcial sa kanyang opisina bago pinatawan ng multa.

Multang P4,000 ang naging kaparusahan sa pagpapakita ng 30-anyos ng dirty finger sa 123-97 panalo ng Fuel Masters laban sa NLEX Road Warriors noong Oktubre 10 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang P6,000 namang multa ay dahil sa nasabi ring dirty finger na natampok sa pagkakabuhol nila ni San Miguel import Kevin Murphy sa third period sa 117-100 pananaig ng Beermen noong Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa nasabing laro ay tinawagan si Murphy ng flagrant foul penalty 1 dahil sa pag-ipit niya sa ulo ni Abueva gamit ang kanyang braso sa baseline railing sa harap ng Phoenix bench sa third quarter.

“I was really just trying to hold him up,” paliwanag ni Murphy. “It just so happened that my arm was around his neck. But I didn’t choke him. I was just holding him. He kept pushing back.”

Nakatakdang magpakita si Murphy sa PBA Commisisoner’s Office ngayon para magpaliwanag sa kanyang ginawa kay Abueva.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with