^

PM Sports

Ateneo solo uli sa No. 1

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inumpisahan ng nagdedepensang Ateneo Blue Eagles ang second round elimination sa pamamagitan ng 83-66 panalo kontra sa University of the Philippines Fighting Maroons kahapon sa Season 81 UAAP basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ipinakita ng Blue Eagles ang matatag na depensa sa buong laro upang muling umakyat sa solo top spot sa 6-2 win-loss kartada at ibaon ang Fighting Maroons sa 3-5 slate.

Sa pagkawala ni Matt Nieto dahil sa injury, humataw naman si Thirdy Ravena ng 20 puntos, sampung rebounds, isang assist, dalawang steals at dalawang blocks habang si Tyler Tio ay tumulong ng 12 puntos, dalawang rebounds at limang assist para sa Blue Eagles.

Tatlong iba pa sa tropa ni coach Tab Baldwin ay umiskor din ng tig-10 puntos bawat isa sa pangungu-na nina Raffy Verano, Angelo Kouame at Jolo Mendoza. Si Kouame ay humila rin ng 14 rebounds para sa double-double performance.

Sa ibang laro, nasungkit ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang ikatlong sunod na panalo matapos patumbahin muli ang Far Eastern University Tamaraws, 78-70 upang umangat sa 4-4 win-loss kartada.

Tumipak si Zach Huang ng 20 puntos, anim na rebounds, isang assist at isang steal habang si Marvin Lee ay tumapos ng 17 puntos, limang assists at dala-wang steals at 14 puntos na may kasamang dalawang rebounds at dalawang assists mula kay Renzo Subido.

Si Germy Mahinay ay tumulong din ng sampung puntos, walong rebounds at isang block sa panalo ng Tigers.

vuukle comment

UAAP BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with