^
4-gold na si Severino

4-gold na si Severino

(Pang-masa) - October 13, 2018 - 12:00am

3rd Asian Para Games

MANILA, Philippines — Nagsulong pa ng dalawang gintong medalya si FIDE Master Sander Seve-rino sa rapid event para sa kanyang four-gold haul sa 3rd Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.

Tinalo ni Severino, nadiskubreng may muscle dystrophy noong siya ay bata pa, si FM Serik Soltanov ng Kazakhstan sa seventh at final round para pagharian ang individual rapid P1 event sa kanyang nalikom na 6.5 points kasunod ang mga kababayang sina Henry Lopez at Jasper Rom na kumuha sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

Umakyat sa walo ang bilang ng mga gold me-dals na napanalunan ng Team Philippines kasama ang lima ng mga chessers bukod pa ang pitong silvers at siyam na bronzes.

Ang iba pang panalo ni Severino ay sa indivi-dual at team play, habang nagdagdag ang standard B2-B3 team nina Arman Subaste, Menando Redor at Israel Peligro.

“Mission accomplished,” sambit ni Severino.

Sa pagwalis sa apat niyang events ay inaasahang tatanggap si Severino ng cash incentive na P2.66 milyon -- ang P2 milyon ay sa kanyang dalawang panalo sa individual events at ang P666,00 ay sa dalawang team events kasama sina Lopez at Rom.

Ayon sa Philippine Sports Commission, ang gold medal sa Asian Para Games ay may katumbas na insentibong P1 milyon, habang ang silver at bronze ay may katapat na P500,000 at P200,000, ayon sa pagkakasunod.

ASIAN PARA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with