The Score mapapanood sa ABS-CBN S+A
(Pang-masa) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsimula na nitong Oktubre ang pinaigting na “The Score” sa ABS-CBN S+A kasama ang bagong anchor na si Mico Halili at ang kanyang sports squad na binubuo ng mga batikang atleta tulad nina Joe Devance at Beau Belga at mga alamat na sina Allan Caidic at Jimmy Alapag.

Maliban sa kanila, magbabahagi rin ng kanilang kaalaman sa basketball at volleyball sina Jett Manuel, Jai Reyes, L.A. Tenorio, Chris Newsome, Pao Javelona, Eric Menk, Gretchen Ho at Michele Gumabao sa bagong “The Score” na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes sa ala-una ng hapon sa ABS-CBN Sports Youtube channel at alas-6:00 ng gabi sa primetime sa S+A at S+A HD.

Pabirong hinalintulad ni Devance ang sarili niya sa mga Amerikanong artista na sina Will Smith at Denzel Washington sa ginanap na press conference para ilunsad ang programa. Dagdag pa niya, “I think this is what I’m meant to do with my life, be on TV.”

Para naman kay Beau Belga na kilala sa pagiging brusko sa loob ng court, oportunidad ito para makatrabaho ang kapwa niya manlalaro at ipakita kung paano sila sa labas ng court. “Nung nakita ko ‘yung lineup ng makakasama, andun ‘yung mababait, tapos sasamahan mo ng makulit, magiging maayos ‘yung concept ng programa, kaya sabi ko sige sali ako.”

Ayon kay Halili, isang beteranong sports anchor at analyst, malalim na pag-intindi sa basketball ang makukuha ng mga manonood sa kanyang bagong “teammates” sa “The Score” tulad ni Beau.

Sa bagong “The Score,” malaking bahagi ang social media, dahil mapapanood ang mga panayam at feature sa “The Score” sa Facebook, Twitter at Instagram.

Para sa balita at karagdagang impormasyon, bumisita sa sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang www.abscbnpr.com.

ABS-CBN S+A THE SCORE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with