Eugene Torre
Torre idedepensa ang Asian Seniors title
(Pang-masa) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idedepensa ni Asia’s First Grandmaster Eugene Torre ang tangan na titulo sa Asian Seniors Chess Championship sa Nobyembre 2-12, 2018 sa Tagaytay International Convention Center (TICC) sa Tagaytay City.

Si Torre na naghari sa event na ito noong nakaraang taon sa New Zealand ay kababalik lamang sa bansa mula sa pagko-coach sa Philippine team sa katatapos na 43rd  Chess Olympiad sa Batumi, Georgia.

Ang torneong ito na nasa ika-9 taon na ay hinati sa dalawang division-- over-50 at over-65 categories.

Nakataya ang P150,000  cash prizes sa mga magwawagi.

Ang magkakampeon ay gagawaran ng International Master title at Grandmaster norm habang ang runners-up ay tatanggap naman ng FIDE Master title.

May naka-schedule din na Rapid chess championship sa unang araw ng competition na susundan naman ng 9-round Swiss System tournament at blitz championship.

Ang torneong ito ay inorganisa ng Tagaytay Chess Club sa pakiki-pagtulungan ng National Chess Federation of the Philippines at ng Asian Chess Federation.

EUGENE TORRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with