Perlas Spikers diretso sa ika-5 sunod na panalo
Chris Co (Pang-masa) - October 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naiselyo ng BanKo Perlas ang 25-21, 23-25, 29-27, 25-18 desisyon kontra sa Tacloban upang ma­natiling malinis ang kanilang rekord sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling nasandalan ng Perlas Spikers si wing spiker Dzi Gervacio na humataw ng 23 puntos na nabuo mula sa 20 attacks, dalawang blocks at isang ace para buhatin ang Perlas Spikers sa ikalimang sunod na panalo at patatagin ang kapit sa solong pamumuno.

Nagawang rumatsada ng Fighting Warays sa third set matapos dalhin ang laro sa ilang set point.

Subalit hindi bumitaw ang Perlas Spikers nang manduhan nina Gervacio at Nicole Tiamzon ang attack line para makuha ang naturang set.

“We just huddled and regrouped. Sabi namin kailangan hindi na namin palagpasin. We did it be­fore na we had a comeback set so sabi namin na we just need to do what we did last time,” pahayag ni Ger­vacio.

Ito ang ikatlong la­ro ng Perlas Spikers sa loob ng li­mang araw.

Ngunit hindi naaninag ang pagod matapos maglatag ang buong tro­pa ng matatalim na atake mula kina Gervacio at Tiamzon gayundin kina middle hitters Amy Ahomiro at Joy Dacoron at veteran opposite hitter Sue Roces.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with