Red Lions, Pirates hangad ang ‘twice-to-beat’ bonus
Francisco Cagape (Pang-masa) - October 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tangka ng nagdedepensang San Beda at Ly­ceum na angkinin ang dalawang ‘twice-to-beat’ in­­centives sa semi­fi­nal round sa magkahiwalay na laban sa 94th NCAA men’s basketball tourna­ment sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Haharapin ng Red Lions ang Arellano Chiefs ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laro ng Pirates at St. Benilde Blazers sa alas-2.

Kung magwawagi ang Red Lions at ang Pirates ay tuluyan nilang makukuha ang dala­wang ‘twice-to-beat’ in­centive sa Final Four kung saan kailangang ta­lunin sila ng dalawang beses sa magkahiwalay na se­mis matches.

“The initial goal is to make the Final Four, which we achieved. The next step is the twice-to-beat advantage, which we are now hoping to get,” sabi ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Mataas ang kumpiyansa ng Red Lions dahil galing sila sa 77-55 panalo laban sa Bla­zers noong Huwebes sa pa­ngunguna ni Robert Bo­lick na humataw ng 19 puntos.

Ngunit sinabi ni Fer­nandez na hindi nila binabalewala ang kakayahan ng Chiefs kahit na sibak na sa torneo ang Arellano.

“They have nothing to lose,” sambit ni Fernandez.

Sa iba pang laro, ha­ngad naman ng Pirates na bumangon agad mula sa kanilang 79-80 pagkatalo sa Letran Knights noong Biyernes.

Makakaharap ng Pirates ang Blazers na nasa ‘must win’ situation din dahil sa kanilang 8-7 slate.

Kung matatalo pa ang St. Benilde ni coach TY Tang sa Lyceum ay matatapos na rin ang kanilang pag-asang ma­kapasok sa se­mis.

Dahil dito ay ma­bi­bigyan ng ‘free ride” ang Perpe­tual Help Al­tas sa Final Four.

NCAA BASKETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with