Castro maglalaro na sa TNT Katropa
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - October 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalalapit na sa pagba­balik si Jayson Castro sa TNT Katropa matapos ang bone spur operation no­ong nakaraang buwan.

Ito ang inamin mismo ni head coach Bong Ra­vena matapos na dumalo sa ensayo si Castro kama­kalawa makaraan ang da­lawang linggong pagpapahinga.

Subalit sa ngayon ay hindi pa pinapayagan si Castro sa contact drills da­hil hindi pa 100% ang kanyang pagpapagaling buhat nang sumailalim sa operasyon noong Set­yembre.

Nagrehistro si Castro ng mga averages na 15.7 points, 4.0 rebounds at 4.33 assists sa anim na laro para sa Tropang Texters at bagama’t hindi nakapag­laro ay halos hindi ito inin­da ng koponan matapos ang dalawang sunod na tagumpay kontra sa Rain or Shine at NorthPort.

Sa kabutihang palad pa­ra kay Castro, mayroon pa siyang halos dalawang linggo para magpaga­ling nang husto bago ang ka­nilang laban kontra sa karibal na San Miguel sa Oktubre 20 sa Calasiao, Pangasinan.

Sa pagkawala naman ni Castro ay nakahanap ang TNT Katropa ng isa pang bayani sa katauhan ng kanyang katambal na si Terrence Romeo na bi­nuhat pansamantala ang TNT sa likod ng kanyang average na 21. 71 points, 3.71 rebounds at 5.29 assists.

Bunsod nito, mula sa 1-4 kartada ay umakyat na ngayon sa 4-4 ang ba­­raha ng Tropang Texters upang makabalik sa kontensyon ng playoffs sa season-ending confe­rence.

JAYSON CASTRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with