^

PM Sports

Sinamantala ni Mariano ang pagkakataon

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Sinamantala ni Mariano ang pagkakataon

MANILA, Philippines — Hindi sinayang ni Aljon Mariano ang bihirang pagkakataon at tiwalang ibinigay ni head coach Tim Cone matapos ipamalas ang kanyang natatagong galing sa starting call-up para sa Barangay Ginebra.

Kulang-kulang ng manlalaro bunsod ng injuries, sinalo ng 26-anyos na si Mariano ang kargada para sa Gin Kings nang maglista ito ng 20 puntos, pitong rebounds, dalawang assists, dalawang steals at isang tapal sa malaking 110-102 panalo nila kontra sa karibal na San Miguel sa 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup kamakalawa sa Smart-Araneta Coliseum.

Bunsod nito, umangat sa 4-1 ang kartada ng defending champions na Gin Kings para sa ikatlong puwesto ng season-ending conference kahit pa nga wala ang apat na manla-laro nito sa katauhan nina Japeth Aguilar (calf), Greg Slaughter (ankle), Jervy Cruz (bone spur) at Sol Mercado (knee).

“I’m making the most out of it, ‘yung opportunity na binibigay sa akin ni coach Tim na paglaruin ako,” ani Mariano na nagrerehistro lamang ng 9.6 puntos, 5.2 rebounds at 2.0 assists ngayong conference bago ang kanyang pagliyab sa 20 puntos. “Ibinabalik ko lang yung tiwala na ibibigay niya sa akin.”

Dagdag pa ni Mariano, ito ay tulong lamang niya sa koponan habang nagpapagaling pa ang kanilang mga key players.

“We’re really undermanned. Kapag nakita niyo sa practice namin, parang pito lang kaming nag-eensayo. Kulang-kulang talaga. We really played with our hearts out kahit na undermanned kami,” aniya.

Para sa kanya, hindi naman niya tinitingnan ang puntos at bonus lamang sa kanya ito dahil ang talagang misyon na inatang sa kanya ni Cone ay ang maging bantay ng import na kanya ring nagampanan dahil nagkasya lamang ang SMB import na si AZ Reid sa 13 puntos, walong rebounds, apat na assists at dalawang turnovers.

vuukle comment

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with