^

PM Sports

Rondina-Barbon tandem ipaparada ng Tigresses sa UAAP beach volleyball ngayon

Pang-masa
Rondina-Barbon tandem ipaparada ng Tigresses sa UAAP beach volleyball ngayon
Lumipad si Sisi Rondina para sa kanyang spike sa laro ng Tigresses noong nakaraang season.

MANILA, Philippines — Papagitna si volleyball star Sisi Rondina at ang University of Santo Tomas para sa kanilang ‘three-peat’ sa women’s division, habang hangad ng National University ang back-to-back men’s title sa paghataw ng UAAP Season beach volleyball tournament ngayon sa Sands SM By The Bay.

May limang korona ang Tigresses kung saan ang tatlo dito ay mula kay Rondina at sa magkakaiba niyang katambal sa buhangin.

Para sa kanyang pinakahuling collegiate season sa sand court ay makakatambal ni Rondina si Ba­bylove Barbon bilang bago niyang partner.

Unang makakasagupa ng UST para sa kanilang pagdedepensa sa korona ang University of the Phi­lippines sa ganap na alas-10:40 ng umaga.

Tatlong beses kinilala si Rondina, naging kinatawan ng bansa sa nakaraang FIVB Beach World Tour Manila Open, bilang Most Valuable Player ng UAAP beach volleyball tournament.

Hangad ng tubong Compostela, Cebu na maigiya ang Tigresses sa ikatlong sunod na titulo para sa kanyang final year.    

Nagwagi ang tambalan nina Rondina at Barbon sa 2018 Beach Volleyball Republic leg noong nakaraang buwan.

Ipaparada naman ng Lady Maroons sina Isa Mol­de at Justine Dorog matapos akayin nina Tots Carlos at Ayel Estrañero ang tropa sa podium fi­nish noong nakaraang taon.

Samantala, aasahan naman ng Far Eastern University Lady Tamaraws sina Ivana Agudo at Ma­rianne Calinawan bilang kapalit nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza.

Makakatapat ng FEU ang De La Salle sa alas-11:20 ng umaga kasunod ang pagtatapat ng Ateneo at NU sa alas-12 ng tanghali at ang bakbakan ng University of the East at Adamson University sa alas-12:40.

Sa men’s division, muli namang sasandig ang Bulldogs kina Bryan Bagunas at James Natividad.

Makakatapat ng NU ang FEU sa alas-8 ng uma­ga bago isunod ang Adamson University sa ala-1:20 ng hapon.

Sina Krung Arbasto at Jaron Requinton ng Tigers ang inaasahang magbibigay ng matinding laban kina Bagunas at Natividad.

Tinalo nina Arbasto at Requinton sina Bagunas at Natividad para sa BVR Manila Open crown noong Agosto.

Ang NU-FEU match ang magbubukas sa men’s session kasunod ang laban ng UST at Ateneo sa alas-8:40 ng umaga, ang salpukan ng Adamson at UP sa alas-9 at ang pagkikita ng La Salle at UE sa alas-9:40.

Maglalaban naman ang UST at La Salle sa alas-2 ng hapon kasunod ang laro ng FEU at UP sa alas-2:40 at ang pagtutuos ng Ateneo at UE sa alas-3 para sa unang araw ng torneo.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with