^

PM Sports

Pacio tinalo si Naito para sa ONE crown

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinalo ni Filipino Jo­shua Pacio si Yo­shitaka Naito via una­­nimous de­cision para aga­win sa Japanese ang suot nitong strawweight crown sa ‘ONE: Conquest of Heroes’ sa Jakarta Convention Center sa Jakar­ta, Indonesia no­ong Sa­bado ng gabi.

Ginamit ng 22-anyos na tubong Benguet ang kanyang mas mahusay na striking skills at magandang ground game para biguin si Naito.

Si Pacio ang ikatlong Team Lakay fighter na kumuha ng ONE title matapos sina flyweight champion Geje Eustaquio at interim bantam­weight titlist Kevin Be­lingon.

Niresbakan ni Pacio si Naito na tumalo sa kanya via submission (rear-naked choke) sa Yangon, Myanmar no­ong 2016.

Pinaganda ng Filipino striker ang kanyang win-loss record sa 16-2, habang nalasap ni Naito ang ikalawa niyang ka­biguan sa 15 laban.

Inialay naman ni Pacio ang kanyang panalo sa mga kababayan niya sa Benguet na sinalanta ng bagyong ‘Ompong’ noong nakaraang linggo.

“This fight is for all of them,” wika ng Igorot warrior. “I know that Cor­dillera will come back and rise again.”

Samantala, tinalo naman ni Danny Kingad ng Team Lakay si “Little Piranha” Yuya Wakamatsu sa pamamagitan ng unanimous de­cision.

Nakabangon si Ki­ngad mula sa isang first-round knockdown sa pamamagitan ng kanyang mga takedowns sa sumunod na dalawang rounds.

Ang panalo laban kay Wakamatsu ang pa­ngatlong sunod na ratsa­da ni Kingad para mapaganda ang kanyang kar­tada sa 8-1.

vuukle comment

ONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with