^

PM Sports

Tamaraws tinuhog ang Fighting Maroons

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinuwag ng Far Eas­tern University ang coach Bo Perasol-less na University of the Philippines, 89-73, para makisosyo sa No. 2 spot sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umentra ang Tamaraws sa loob ng court bitbit ang determinasyong makabawi sa masaklap na 74-76 kabiguan sa UST Tigers noong naka­raang linggo.

Kaya naman umariba agad sa umpisa pa lamang ang FEU para makuha ang kalamangan na hindi nito binitawan hanggang sa huling sandali ng laro para makabalik sa winning form at makuha ang ikalawang panalo.

“It’s a good bounce-back win. It was bit hard to take a game like that,” ani Tamaraws head coach Olsen Racela. “We played against UST for us to really play things possession-by-pos­­ses­sion. It was a de­fen­sive game. I felt like our offense was just a bonus.”

Sa ikalawang laro, igi­nupo ng De La Salle University ang University of the East, 82-72, pa­ra sumosyo sa ikalawang puwesto bitbit ang 2-1 marka.

Sumulong ang FEU sa ikalawang puwesto.

Nagrehistro ang Ta­ma­raws ng impresibong 52.4 percent shooting clip kung saan limang man­lalaro ang nagtala ng double figures sa pangu­nguna ni Price Orizu na kumana ng 15 markers at 7 rebounds.

Nagtala naman si forward Ar­vin Tolentino ng 13 points, samantalang may 12 si Wendell Comboy at may tig-11 sina Jas­per Parker at Alejan­dri­no Iñi­go.

“Our offense was just an effect of our defense. Good job by everyone for sticking to our game plan,” ayon kay Racela.

Matapos ilampaso ang UE Red Warriors sa opening day ay lumasap ang Fighting Maroons ng dalawang sunod na kabiguan para mahulog sa 1-2 baraha.

Nanguna para sa UP si Javi Gomez De Liaño na umiskor ng 15 points at umani si Juan Gomez De Liaño ng 13 points para sa UP.

Wala si Perasol na pi­­­na­tawan ng UAAP ng one-game sus­­pension.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with