^

PM Sports

NU, DLSU magdedepensa ng titulo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng National University ang kanilang ikalimang sunod na men’s championship habang tangka ng De La Salle ang back-to-back women’s crown sa pagsisimula ng UAAP Season 81 badminton tournament bukas sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Naka-bye ang Bulldogs at Lady Shuttlers sa first round at sa Huwebes pa ang kanilang unang salang.

Haharapin ng NU ang Ateneo sa alas-8 ng umaga habang sasagupain naman ng Lady Archers ang  karibal na eskuwelahang Ateneo sa ala-una ng hapon.

Sa pangunguna ni MVP Alvin Morada, ipaparada ng Bulldogs, ‘di pa natatalo sa 35 ties, ang intact na line-up kasama ang nagbabalik na dating MVP na si Leeward Pedrosa na inaasahang magpapalakas ng Bustillos-based squad.  

Mangunguna naman sa Lady Shuttlers si  reigning MVP Nicole Albo para ipagtanggol ang titulo.

Pormal na magsisimula ang torneo bukas sa alas-8:00 ng umaga na bubungaran ng men’s ties kung saan haharapin ng runner-up University of the Philippines ang Adamson University, sasagupain ng Ateneo ang University of the East at sasabak naman  ng University of Santo Tomas kontra sa De La Salle.

Ang women’s ties ay sisimulan naman sa ala-una ng hapon tampok ang UP at UST habang magtatapat naman ang Ateneo at UE gayundin ang NU at Adamson University.

Pambato ng Lady Bulldogs ang top player ngayon na si Sarah Joy Barredo para hamunin ang Lady Shuttlers at Lady Maroons.

vuukle comment

DLSU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with