^

PM Sports

Sinimulan na ni Mayweather ang preparasyon vs Pacquiao

Chris Co - Pang-masa
Sinimulan na ni Mayweather ang preparasyon vs Pacquiao
Floyd Mayweather

MANILA, Philippines — Kahit wala pang pormal na anunsiyo, tila naghahanda na si undefeated Floyd Mayweather para sa kanyang comeback fight.

Nagparamdam na si Mayweather nang mag-post sa kanyang Instagram account na sumailalim ito sa isang linggong training na tila paghahanda sa kanyang pagbabalik aksiyon.

“Not bad for one week of training #UNDEFEATED,” ani Mayweather sa kanyang IG post.

Hinamon kamakailan ni Mayweather si eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang rematch sa kanilang pagtatagpo sa Tokyo, Japan.

Subalit lumabas ang bali-balitang nais muna ni Mayweather na magkaroon ng isang tuneup match sa Japan bago harapin si Pacquiao.

Nasa 41-anyos na si Mayweather kaya’t iba na rin ang lebel ng pag-lalaro nito sa boksing. Ngunit hindi maikakaila na may lakas pa rin ito kung bangis din lang naman ang pag-uusapan.

Huling nasilayan sa aksiyon si Mayweather noong Hunyo ng nakaraang taon kung saan itinala nito ang 10th-round technical knockout win laban kay Connor McGregor.

Matapos ang laban, muling nagretiro si Mayweather.

Kita pa rin ang liksi at bilis ni Mayweather para maitala ang impresibong 50-0 rekord.

Sa kabilang banda, sariwa si Pacquiao sa matikas na seventh-round technical knockout win kontra kay Lucas Matthysse ng Argentina sa kanyang WBA welterweight title defense noong Hulyo sa labang ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Dahil sa matikas na pagpapabagsak kay Matthysse, muling nagbalik ang ningning sa pangalan ni Pacquiao kaya’t malaki ang posibilidad na matuloy ang Pacquiao-Mayweather fight na inaasahang mu-ling tatabo sa takilya.

Wala pang pormal na anunsiyo ang mag-kabilang kampo ngunit usap- usapan na magaganap ito sa unang ba-hagi ng 2019.

 

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with