^

PM Sports

Adamson tuloy sa pananalasa

Chris Co - Pang-masa
Adamson tuloy sa pananalasa
Si Vince Magbuhos ng Adamson laban sa tatlong UST defenders.
PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Tuloy ang pananalasa ng Adamson University matapos paamuhin ang University of Santo Tomas sa pamamagitan ng 79-71 desisyon upang mapatatag ang kapit sa solong pamumuno sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bumida sa pagkakataong ito si Jerrick Ahanmisi na kumana ng 20 puntos, dalawang rebounds, isang assist at isang steals para manduhan ang Soaring Falcons sa pagkopo ng ikatlong sunod na panalo.

Nagbigay ng sapat na suporta si Vince Magbuhos na nagbuhos ng 15 markers mula sa 7-of-9 shooting clip gayundin si Jonathan Espeleta na umani naman ng 12 puntos para sa Adamson.

Maganda rin ang kontribusyon nina Simon Camacho at Kristian Bernardo na may pinagsamang 16 points para tabunan ang four-point production ni Cameroonian Papi Sarr sa 20 minutong paglalaro.

Wala namang naipuntos si Sean Manganti matapos ang kaniyang career-high 27-point output laban sa University of the East noong Miyerkules.

“My bench players are capable of stepping up. Papi is not 100 percent same thing with Sean. I think this game, we played as a team. It was a good test for us and show how we played as a team. Down the stretch we played really well,” ani Adamson mentor Franz Pumaren.

Lumasap ang Growling Tigers ng ikalawang ka-biguan sa tatlong pagsalang.

Bida si Crispin John Cansino na may 18 points habang kumana si Marvin Lee ng 16 para sa UST.

Nalimitahan sina Renzo Subido at Steve Akomo - na parehong pinakababad sa laro sa tig-walong puntos matapos ilatag ng Soaring Falcons ang matinding depensa sa kanilang dalawa.

Napuwersa ng Adamson na makagawa ng 27 turnovers ang UST.

Sa ikalawang laro, inilampaso ng nagdede-pensang Ateneo de Manila University ang National University, 72-46, upang masolo ang No. 2 spot sa  2-1 marka. Gumulong ang Bulldogs sa 1-2.

vuukle comment

ADAMSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with