^

PM Sports

Adamson kakapit sa liderato

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mapatatag ang kapit sa solong pamumuno ang tatangkain ng Adamson University sa oras na makaharap nito ang mapanganib na University of Santo Tomas ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang salpukan ng Soaring Falcons at Growling Tigers sa alas-2 ng hapon na susundan ng banggaan ng nagdedepensang Ateneo de Manila University at National University sa alas-4.

Namamayagpag sa unahan ng standings ang Adamson tangan ang imakuladang 2-0 marka.

Engrandeng sinimulan ng Soaring Falcons ang kampanya nito matapos gulantangin ang Blue Eagles, 74-70 noong Setyembre 9 kasunod ang matikas na 90-76 demolisyon sa University of the East (UE) noong Miyerkules.

Sa kabila ng magarbong simula, walang puwang ang pagiging kampante para kay Adamson head coach Franz Pumaren lalo pa’t galing ang UST sa panalo kontra sa Far Eastern University (76-74).

“They are confident after beating FEU. That’s a testament of what I mentioned that at any given game, we don’t look at the current standings and the last game. Anybody could beat a particular team,” ani Pumaren.

Umaasa si Pumaren na muling puputok si Sean Manganti na nagtala ng career-high na 27 points laban sa Red Warriors.

Makakatuwang nito sina Jerrick Ahanmisi at Came-roonian Papi Sarr na tunay na maaasahan sa opensa.

Sa kabilang banda, hangad ng Growling Tigers na madugtungan ang kanilang upset win sa Tamaraws.

Kaya naman kakayod ng husto sina Renzo Subido, Marvin Lee at CJ Cansino gayundin si rookie guard Ken Zamora.

“I know it’s too early but we will not be contented with this,” pahayag ni UST mentor Aldin Ayo.

Nakatali ang UST at FEU sa six-way tie sa No. 2 kasama ang Ateneo, NU, De La Salle University at University of the Philippines hawak ang pare-parehong 1-1 marka.

vuukle comment

ADAMSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with