^

PM Sports

Lumayo na ang Baguio

Francisco Cagape - Pang-masa

2018 Batang Pinoy National finals

Baguio City, Philippines –Lumalayo na ang host Baguio City sa kanilang 46 golds, 46 silvers at 57 bronzes upang makalapit sa ikalawang sunod na overall title kahapon patungo sa huling araw ng 2018 Batang Pinoy National Finals sa Baguio Athletic Bowl dito.

Ngunit hindi pa rin sigurado sa Pines City ang kampeonato dahil may pitong sports pa ang hindi nabibilang sa medal tally pero malaki na ang bentahe ng nagdedepensang Baguio City sa pumapangala-wang Quezon City na nagtala ng 21-12-16 gold-silver-bronze medal haul habang ang pumapangatlong Cebu City ay may 20-25-28.

Ayon kay Baguio City sports coordinator Gaudencio Gonzales, nagbunga na ang pagsisikap ng kanilang mga atleta lalo na sa contact sports kung saan nagmula karamihan sa kanilang mga medalya.

“This is a product of hardwork. Although, binigyan din namin ng focus ang contact sports pero hindi rin namin pinabayaan ang ibang sports kagaya ng athletics at swimming,” sabi ni Gonzales na tukoy ang arnis kung saan nag-uwi sila ng siyam at 11 ginto sa taekwondo. Ang iba pa nilang panalo ay mula sa judo, karatedo, boxing at pencak silat.

Ang tatanghaling overall champion ay makakatanggap ng mahigit P3 milyong halaga ng sports equipments mula sa organizer na Philippine Sports Commission habang ang second placer ay bibigyan ng P2.5 million, may P2 million ang third finisher, P1.5 million sa fourth placer at P1 million sa fifth finisher

Ang Quezon City naman ay nakasungkit ng sampung gintong medalya sa swimming at kahit bokya sila sa athletics, bumawi sila sa gymnastics, lawn tennis, archery, badminton  at taekwondo.

Pagkatapos ng anim na araw na kumpetisyon, na-ging most bemedalled athlete ang 10-anyos na si Karl Jahrel Eldrew Yulo sa kanyang pitong gintong medalya sa artistic gymnastics at tig-apat na ginto na may kasamang silver medal naman sina swimmers Mikaela Jasmine Mojdeh ng Parañaque, Zoe Marie Hilario at Althea Michel Baluyot na kapwa taga-Quezon City.

vuukle comment

BAGUIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with