^

PM Sports

SMB-Alab palalakasin ng Puerto Ricans

Pang-masa
SMB-Alab palalakasin ng Puerto Ricans
PJ Ramos at Renaldo Balkman

MANILA, Philippines — Tambalang Puerto Ricans sa katauhan nina PJ Ramos at Renaldo Balkman ang napipisil na maging sandigan ng San Miguel-Alab Pilipinas na tangkang madepensahan ang titulo nito sa papara-ting na 2018-2019 Asean Basketball League.

Napaulat kahapon ang pagkuha ng koponan sa 7’3 import na si Ramos upang makapares ng nagbabalik-import na si Balkman na kasalukuyan pang nililigawan ng Alab.

Maaalalang huling naglaro si Balkman sa San Miguel Beermen sa katatapos lamang na 2018 PBA Commissioners’ Cup ngunit tinalo siya ng kaibigan at dating kasama sa Alab na si Justin Brownlee ng Ginebra sa parehong Best Import award at championship.

Si Balkman at Brownlee ang nagkapit-bisig noong nakaraang season upang buhatin ang Alab sa kampeonato sa ABL matapos ang 3-2 na panalo sa best-of-five Finals kontra sa karibal na Mono Vampire.

Nagrehistro noon si Balkman ng solidong 24.9 puntos, 11.8 rebounds, 3.9 assists, 2.3 steals at 1.7 na supalpal upang pa-ngalanang Co-Defensive Player of the Year.

Subalit sa pagkakataong ito, kung matuloy man si Balkman sa pagbabalik sa koponan, ay hindi niya makakasama si Brownlee na kasalukuyan pang import ng Barangay Ginebra sa idinaraos na Governors’ Cup.

Sa kabutihang palad, solido pa rin ang kanyang magiging kakampi sa katauhan ng higanteng sentro na si Ramos na huling naglaro sa KIA Carnival sa PBA kung saan siya nagrehistro ng halimaw na 35.9 puntos at 21.2 rebounds.

Isa rin sa mahalagang nabingwit ng Alab nga-yong season ay si Filipino-American Caelan Tiongson na naglaro sa Chong Son Kung Fu noong nakaraang season.

Inaasahan ding magbabalik sa koponan ang lider na si Rayray Parks Jr. na siyang tinanghal na back-to-back Local Most Valuable Player.

vuukle comment

PJ RAMOS

RENALDO BALKMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with