^

PM Sports

San Beda kumapit sa No. 2

Chris Co - Pang-masa
San Beda kumapit sa No. 2
Si Allyn Bulanadi ng San Sebastian laban kay Leo Esguerra ng JRU.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nanatili ang bagsik ng reigning champion San Beda University nang matikas nitong pataubin ang Emilio Aguinaldo College, 76-57 para mapagtibay ang kapit sa ikalawang puwesto sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Inilatag ni Robert Bolick ang kaniyang all-around game matapos kumana ng 20 points at 10 rebounds kalakip ang limang assists at tatlong steals para buhatin ang Red Lions sa ika-12 panalo sa 13 laro.

Nanatiling nakadikit ang San Beda sa na-ngungunang Lyceum of the Philippines na may imakuladang 12-0 marka.

Kumuha rin ng lakas ang Red Lions kay Javee Mocon na nagrehistro naman ng 11 markers at pitong boards.

“I give credit to the players. They stepped up their defense in the second half. We started flat in the first half. I told them during the break that this game was cha-racter-building for us,” wika ni San Beda mentor Boyet Fernandez.

Nanganganib na masibak ang Generals na nalaglag sa 2-10 marka.

Nangibabaw para sa EAC si Cameroonian Hamadou Laminou ta-ngan ang 15 puntos at 10 boards at naasahan din sina JP Magullano (12) at Jethro Mendoza (10) ng kani-kaniyang double figures.

Subalit malaking hadlang ang 26 turnovers - 16 sa second half - na nagawa ng Generals para mabigong masundan ang kanilang magandang ratsada sa first half.

Sa unang laro, sumandal ang San Sebastian College-Recoletos sa matikas na laro ni Allyn Bulanadi tungo sa 82-75 panalo laban sa Jose Rizal University at manatiling buhay ang tsansa sa Final Four.

Nagpasabog si Bulanadi ng career-high 27 napoints kabilang ang 10 sa first quarter para pamunuan ang Stags na pigilang su-mabog ang Bombers.

Umangat sa 4-9 ang San Sebastian ngunit kailangan nitong walisin ang kanilang huling limang laro para higit pang pa-lakasin ang kanilang pag-asa sa semis.

Tuluyang namaalam sa kontensiyon ang Heavy Bombers na nahulog sa 2-11 marka.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with