^

PM Sports

Ancajas lumipad na pa-US

Russell Cadayona - Pang-masa
Ancajas lumipad na pa-US
Jerwin Ancajas
Philstar.com/Dino Maragay

MANILA, Philippines — Lalaban si Filipino world super flyweight champion Jerwin Ancajas sa venue kung saan nag-lalaro ang bago niyang paboritong NBA team na Golden State Warriors.

Inaasahang nakaalis na kagabi ang grupo ng 26-anyos na si Ancajas patungong United States para labanan si Mexican challenger Alejandro Santiago sa Setyembre 28 sa Oracle Arena sa Oakland, California.

Itataya ni Ancajas, nagdadala ng 30-1-1 win-loss-draw ring record kasama ang 20 knockouts, ang kanyang suot na International Boxing Federation super flyweight crown laban sa 22-anyos na si Santiago (16-2-4, 7 KOs).

Ito ang ikaanim na sunod na pagkakataon na idedepensa ng tubong Panabo, Davao del Norte ang kanyang IBF title.

Hindi pa natatalo si Ancajas sa kanyang hu-ling 15 na laban matapos mabigo kay Mark Anthony Geraldo via majority decision noong 2012 sa Lapu-Lapu City.

Nagmula si Ancajas sa isang unanimous decision win laban kay Cebuano challenger Jonas Sultan noong Mayo 26 sa Fresno, California.

Samantala, muli namang aakyat ng boxing ring si dating IBF light flyweight king Milan Melindo (37-3-0, 13 KOs) sa Oktubre 7 sa kanyang paghahamon kay World Boxing Council light flyweight titlist Ken Shiro (13-0-0, 7 KOs) sa Yokohama Arena sa Japan.

Nakamit ng 30-anyos na tubong Cagayan De Oro ang IBF belt matapos ang first-round KO victory laban kay Japanese Akira Yaegashi noong Mayo ng 2017.

Matapos ang apat na buwan ay matagumpay itong naidepensa ni Melindo laban kay South African Hekkie Budler via split decision.

Sa bisperas ng Bagong Taon ay naisuko ni Melindo ang IBF crown kay Japanese WBA title-holder Ryoichi Taguchi via unanimous decision sa kanilang unification match.

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with