^

PM Sports

Blackwater nakisosyo sa liderato

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sosyo na ngayon sa liderato ang wala pang galos na Blackwater matapos daigin ang Northport, 113-111 kagabi sa pagbabalik-aksyon ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Naiwan pa ng hanggang 18 puntos sa unang half, hindi nagpatinag ang palabang Elite nang magpakawala ng matinding second half sa likod ng nagbabalik na si Gilas Pilipinas player John Paul Erram.

Trinangkuhan ni Erram ang pag-aalsa ng Elite lalo na sa fourth quarter kung saan hinabol nila ang 77-87 na pagkakaiwan tungo sa 94-94 na tabla, anim na minuto pa sa orasan.

Nakasakay na sa momentum, hindi na naawat ang Elite buhat noon nang tuluyang ungusan ang Batang Pier, 111-105 sa tres ni John Pinto sa hu-ling 31 segundo.

Bagama’t humirit pa ng tres ang import na si Rashad Woods para ilapit ang laban, 108-111 sa natitirang 23 segundo, panay sablay na ang kanilang sumunod na buslo na nagtulak sana sa laro sa overtime.

Bunsod ng panalo, umangat sa 3-0 kartada ang Elite upang akbayan sa tuktok ng season-ending conference ang reigning champion na Barangay Ginebra.

Nanguna para sa Elite si Henry Walker na may 24 puntos habang may solidong 19 puntos, pitong rebounds at dalawang supalpal naman si Erram sa pagbabalik sa koponan matapos ang Asian Games at 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers campaign.

Sumuporta rin sina Mike DiGregorio at Mac Belo na may 19 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod habang may walong puntos at 13 assists din si John Nard Pinto.

Sa kabilang banda, hindi sumapat ang 31 puntos ni import Woods gayundin ang 18 puntos ng isa pang nagbabalik na Gilas player na si Stanley Pringle para sa Northport na wala pa ring panalo sa 0-5 kartada.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with