^

PM Sports

‘Di na kailangan ng tune-up fight ni Manny vs Floyd

Pang-masa
�Di na kailangan ng tune-up fight ni Manny vs Floyd
Manny Pacquiao

MANILA, Philippines — Hindi na kailangan ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ng isang tune-up fight para sa kanilang pinaplantsang rematch ni Floyd Mayweather Jr.

“Bakit pa? Eh, kakalaban ko lang nung July,” ani Pacquiao, nagmula sa isang seventh-round TKO win kay Lucas Matthysse, matapos makipaglaro ng chess sa kanyang mga kaibigan sa isang inuupahang mansion sa Dasmariñas Village sa Makati City.

Sinabi rin ni Mayweather na hindi niya kaila-ngan ng tune-up fight bagama’t huli niyang nilabanan si Conor McGregor noong Agosto ng 2017.

Nauna nang sinabi ni Mayweather na madali niyang tatalunin si Pacquiao kagaya ng kanyang unanimous decision win sa kanilang mega showdown noong Mayo ng 2015.

Kaagad naman itong kinontra ni Pacquiao.

“Easy fight, huh?” sabi ni Pacquiao. “Tingnan natin kung hindi pa niya ma-occupy lahat ng sulok ng ring.”

Kinumpirma rin ni Pacquiao ang susunod niyang laban sa United States sa kabila ng kanyang tax issues at maski hindi si Mayweather ang kanyang harapin.

“Kahit hindi si Floyd, sa US ang laban. Matagal na ako hindi nakapunta sa US eh,” ani Pacquiao na huling lumaban sa US noong Nobyembre ng 2016 laban kay American Jessie Vargas.

Gusto ni Pacquiao na muling umakyat ng boxing ring sa Disyembre 8 ngunit sinabing maaari itong maurong sa Enero 12 o 19, lalo na kung kontra kay Mayweather.

“Kaya naman,” wika ni Pacquiao, sisimulan ang light training sa pagtatapos ng buwan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with