^

PM Sports

‘Di tatanggi si Guiao

Andrew Dimasalang - Pang-masa
�Di tatanggi si Guiao
Yeng Guiao

MANILA, Philippines — Ngayong tapos na ang kanyang inisyal na misyon, ‘full blessing’ na lamang ang hinihintay ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao upang maipagpatuloy ang magandang panimula sa national team.

Mula sa ikalimang puwestong pagtatapos sa 18th Asian Games, nadala naman ni Guiao sa 1-1 kartada sa dalawang laro ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers matapos ang krusyal na 92-81 panalo kontra sa dayong Qatar kamakalawa ng gabi sa closed-door sa Smart-Araneta Coliseum.

“Siguro, I’ll just wait for the formal announcement of Samahang Basketbol ng Pilipinas if they would want me to continue coaching,” ani Guiao.

Bagama’t wala pang opisyal na alok ngayon mula sa SBP bukod sa mga naunang pahayag ni chairman eme-ritus Manny V. Pangilinan na si Guiao na nga ang susunod na hahawak sa national team program, inamin ni Guiao na walang kaabug-abog niya itong tatanggapin.

“Actually ang sabi ko lang naman, kung ibibigay nila sa kin dahil maganda na ang samahan namin, formally, tatanggapin ko naman.”

Ito ay dahil aniya sa malalim na samahang nabuo niya kasama ang kanyang mga manlalaro mula sa Asiad at sa Asian Qualifiers.

At para sa kanya ay hindi magiging patas kung iiwan niya ang mga ito lalo’t sa mabibigat nilang sakripisyo na makapagsilbi lamang sa bayan.

“Nami-miss ko itong mga batang ito. After a while, there’s a bond that develops, because nakita mo naputukan ng kilay, dumugo ang ilong, nawalan ng ngipin, nagtiis na buntis ang asawa nila pero nandito sila,” aniya. “Ano ba naman ‘yung hirap ko diba? Tapos iiwanan mo, tapos tatanggihan mo? Anong klaseng samahan ‘yan, anong klaseng tao ka.”

Tinutukoy ni Guiao si JP Erram na nalagasan ng dalawang ngipin sa Asian Games, si Paul Lee na iniwan ang kanyang asawang buntis sa makailang ulit na biyahe ng koponan gayundin sina Marcio Lassiter na pumutok ang kaliwang kilay at Beau Begla na dumugo ang ilong kontra sa Iran noong nakaraang Huwebes.

Para kay Guiao, walang iwanan at sama-sama sila ng kanyang koponan hanggang sa makamit nila ang misyong makapasok sa World Cup.

vuukle comment

YENG GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with