Chavit tutulong para sa tagumpay ng Pinas sa SEAG
Chris Co (Pang-masa) - September 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinabi ni shooting chief Chavit Singson na tutulong siya upang maging matagumpay ang pagho-host ng bansa ng 30th Southeast Asian Games na idaraos sa susunod na taon.

Inihayag ni Singson na handa itong tumulong partikular na sa paghahanda ng mga atletang sasabak para matiyak na mas maraming gintong medalya ang anihin ng bansa sa SEA Games.

“Unang-una, ang gusto ko lang tumulong. Magtulungan tayong lahat para sa common goal natin, malapit na ang SEA Games, dapat tulung-tulong tayong lahat para ma-achieve yung goal natin. Kailangan mas maraming ginto hindi lang ‘yung apat. Maliwanag ‘yun na yun ang dapat nating pagtulu-ngan,” ani Singsong.

Tiniyak ni Singson na hindi lamang sa shooting sesentro ang kanyang pagtulong.

Nais nitong pagtuunan din ng pansin ang iba pang national sports associations (NSAs).

“As far as I am concerned tutulong ako sa lahat not only sa shooting kundi sa lahat like for example ‘yung group namin ng NSAs. Support them, mag-hire tayo ng magagaling na coaches. Dapat ganun lahat ng grupo.

Hangad din ni Singson na magkaroon ng awtonomiya ang mga NSAs na pumili ng mga atletang isasabak nito sa mga kumpetisyon hindi ‘yung pinakikialaman ito ng iba pang grupo.

“Dapat ang mga kani-kaniyang grupo ang pipili ng mga atleta. Kung sino ang inaasahan nating mananalo, ‘yun ang lalaban hindi ‘yung mga galing sa taas kundi sa baba. Sila kasi ang nakakaalam kung sino ang magagaling sa kani-kaniyang grupo,” ani Singson.

Nakatakdang makipagpulong si Singson sa iba’t ibang NSAs upang alamin ang mga problemang kinakaharap nito.

Matapos ang naturang pagpupulong, dudulog si Singson sa Philippine Olympic Committee upang makipagkasundo, maayos ang lahat ng gusot at magkaroon ng pagkakaisa tungo sa tamang direksiyon para sa matagumpay na kampanya sa SEA Games.

“Kailangan maging successful ito, dito gagawin ang SEA Games. Hindi dapat mag-away away, dapat magtulungan, support each other for our common goal,” aniya.

Malalim ang kakayahan ni Singson sa pagtataguyod ng malalaking international events.

Sa katunayan, si Singson ang nanguna sa matagumpay na hosting ng bansa ng 2016 Miss Universe competition na ginanap noong nakaraang taon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dumating sa Manila ang mahigit 80 delegado mula sa iba’t ibang bansa kabilang na si Miss France Iris Mittanaere na kinoronahang 2016 Miss Universe.

CHAVIT SINGSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with