PSC, Baguio City nakaalalay sa Batang Pinoy participants
(Pang-masa) - September 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang 450-katao ang tumutuloy ngayon sa Philsports Complex at Rizal Memorial Sports Complex  matapos ipag-utos ni Philippine Sports Commission Chairman Butch Ramirez na bigyan ng masisilungan ang mga  delegadong magpapalipas muna ng bagyong Ompong bago sumabak sa Batang Pinoy National Finals sa Baguio City.

Sa isang joint statement na ipinalabas kahapon, siniguro ng PSC at ng local government ng Baguio City na prayoridad nila ang kapakanan ng mga Batang Pinoy Finals participants.

Inalertuhan na ni Baguio City’s Mayor Atty. Mauricio Domogan ang mga pulis sa na i-escort ang mga delegations na patungo sa City of Pines.  Handa ang highway patrol na gamitin ang escort vehicles para ihatid ang  Batang Pinoy delegates pagdating nila ng Rosario junction sa La Union.

Ang Genesis Bus Line, partner ng PSC for para sa event ay todo suporta sa PSC at Baguio City na siguraduhin ang kaligtasan ng lahat sa pagbibigay ng sasakyan sa delegations at personnel.

Ang registration ay on-going  ngunit isasara ito ngayon dahil sa inaasa-hang masamang panahon.

Maaari na ring i-process ng mga coaches ang registration ng kanilang team  dahil nais ni Ramirez na hindi na mahirapan ang mga participants para na rin sa kanilang kaligtasan.

PINOY PARTICIPANTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with