2 gold medals sa phl dragonboat
Russell Cadayona (Pang-masa) - September 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang gintong medalya ang sinagwan ng Team Philippines sa pagsisimula ng bigating 2018 ICF World Dragon Boat Championships sa Lake Lanier Olympic Park sa Gainesville, Georgia.

Naghari ang mga national paddlers ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation sa 10-seater senior mixed 500-meter event matapos talunin ang Hungary at host United States.

Nagposte ang tropa nina drummer Patricia Bustamante at steerer Maribeth Caranto ng bilis na dalawang minuto at 7.5 segundo para pagandahin ang kanilang bronze-medal finish sa parehong event noong 2016 world championships sa Russia.

“They really wanted to prove something out there and they never lost focus despite the strong opposition,’’ wika ni PCKDF president Jonne Go.

Sumegunda ang mga Hungarians ng 2:11.36 kasunod ang mga Ame-ricans (2:11.86) para sa silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod, sa biennial meet na nilahukan ng kabuuang 16 bansa.

Ang ikalawang gold medal ng Pilipinas ay nagmula naman sa 20-seater senior mixed 500m laban sa Hungary at Czech Republic.

Nagsumite ang mga Pinoy paddlers ng bilis na 1:52.58 kasunod ang mga Hungarians (1:55.09) at Czechs (1:55.14).

“We never doubted the team’s ability to win. Once again, they showed the world that we Filipinos are world-class in this sport,” sabi naman ni Je-remy Go ng Go For Gold na tumulong sa PCKDF kasama ang Philippine Sports Commission.

Sa nakaraang 18th Asian Games sa Indonesia ay nabigo ang mga Filipino bets na makapag-uwi ng medalya dahil gi-namit ng mga organizers ang mas maikli at mas mabigat na mga bangka taliwas sa international standards.

Samantala, inaasahan ni head coach Len Escollante ang kanilang ikatlong gold medal sa pagsabak sa 10-seater men’s 200 finals sa pagbandera nina Hermie Macaranas at Ojay Fuentes katuwang sina Mark Frias, Reymart Nevado, John Paul Selencio at Oliver Manaig.

Lalaban naman sina women paddlers Raquel Almencion, Rosalyn Esguerra, Rhea Rhoa at Christine Talledo sa small boat mixed category kasama sina Bustamante at Caranto.

DRAGONBOAT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with