UAAP Games kanselado
Chris Co (Pang-masa) - September 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinansela ng UAAP management committee ang mga laro ngayong araw sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament dahil sa bagyong Ompong.

Inihayag ni UAAP President Nilo Ocampo ng host National University ang desisyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga manlalaro, opisyales at mga tagasuporta ng bawat koponan dahil inaasa-hang magbibigay ng malalakas na buhos ng ulan at matinding hangin ang bagyo.

“After due consultation and considering what appears to be a severe weather disturbance, The UAAP deems it best for everyone’s  interests to cancel the basketball games tomorrow Saturday, September 15, 2018,” ani Ocampo sa statement.

Nakatakda sanang magharap ang nagdedepensang Ateneo de Manila University at Far Eastern University gayundin ang Adamson University at De La Salle University.

Ililipat ang mga naturang laro sa ibang petsa.

Kanselado rin ang mga laro sa juniors division.

Nauna nang ipinagpaliban ang mga laro sa chess at badminton.

UAAP GAMES'
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with