1st Leg Juvenile Fillies & Colts Stakes Race bukas
(Pang-masa) - September 1, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magaganap ang malaking karerang ito bukas sa pista ng Sta Ana Saddle And Clubs sa Naic, Cavite na lalahukan ng limang kabayo na puro dalawang taon ang edad.

 

Una dito ang kabayong Interstate na gagabayan ni jockey RG Fernandez, Inwood Bell ni jockey RD Raquel, Storm Bell ni jockey JB Hernandez, Valley Cat ni jockey OP Cortez at Morning Girl na sasakyan naman ni jockey RO Niu.

Lamang na lamang ang kabayong Storm Bell di­to dahil nanalo na ang nasabing tambalan sa Stakes Race rin na PCSO Special Maiden Race no­ong Hulyo 21 sa pista pa rin ng Sta. Ana.

Nanalo pa ang Storm Bell sa nasabing karera ng may pitong kabayong agwat sa nasegundong ka­bayo na Caloocan Girl at nakagawa ng impresibong pruweba na 1:13’ sa 1,200 metro na distansya at halatang maraming-marami pa ito.

Pagmamay-ari ang kabayong Storm Bell ng Bell Racing Stables, habang kinukundisyon naman ito nang husto ni trainer DS Sordan.

My kabuuang premyo ang karerang ito na P1 milyon ang mga titimbang mula first hanggang fourth place pero ang maiuuwi ng mananalo ay tumataginting na P600,000.

Siguradong marami sa Bayan Karerista ang sosolohin na sa 1st Pick-6 na magsisimula sa unang karera ang tambalan Storm Bell at No. 1 jockey Jo­nathan Hernandez. - Vince ‘Palos’ Nuguid

RACE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with