^

PM Sports

3 Pinoy pugs susuntok ng tiket sa finals

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa

JAKARTA — Sasabak ngayon ang tatlong Pi­noy pugs sa semifinal round ng boxing compe­tition sa Jakarta Interna­tio­nal Expo sa penultimate day ng aksiyon sa 18th Asian Games.

Inaasahang makaka­pagdagdag sa apat na gold medal ng Pinas sina Eu­mir Felix Marcial, Car­lo Paalam at Rogen La­don na pare-parehong nakakasiguro ng bronze medal at makakatiyak ng silver kung mananalo sa kanilang laban na magtutulak sa kanila sa gold me­dal bout bukas.

Bilang unang boxer na pumasok sa semifinals, ang 24-gulang na Olympian na si Ladon, ang 2017 Asian Championships bronze me­dal­ist, siya ang unang sa­salang sa men’s flyweight 52kgs. kontra kay Yutapong Tongdee sa alas 2:15 ng hapon (3:15 Manila time).

Delikado naman ang 20-gulang na si Paalam sa kanyang alas-4 (5 p.m. Manila time) na lalaban sa men’s light flyweight 49 kgs division dahil ma­kakatapat niya ang local bet na si Amit ng Indonesia.

Huling sasalang si Mar­cial, ang back-to-back SEA Games gold medalists, sa men’s mid­dle­weight 75kgs sa alas-7:45 ng gabi (8:45 p.m. Manila time) kontra kay Israil Madrimov ng Uz­be­kistan.

Nagtala si Paalam, ang pi­nakabata sa eighth-member team na lahok ng ABAP, ng 4-1 panalo kontra kay Ter­mirtas Zhussupov, 4-1, ng Kazakhstan sa semis, habang dinispatsa naman ni Marcial si Jinjea Kim ng Korea, 5-0, kamakalawa.

Mas mahaba ang pa­hinga ni Ladon dahil no­­ong Martes siya hu­ling lumaban nang si­bakin niya sa quarterfinals si Azat Mahmetov ng Kazakhstan.

BOXING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with