3 Pinoy pugs nasibak sa torneo
Chris Co (Pang-masa) - August 25, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng national junior boxing team ang nasibak sa 2018 AIBA Youth Men’s and Women’s World Championships na ginaganap sa Duna Arena sa Budapest, Hungary.

Tuluyan nang namaalam sa kontensiyon sina Criz Russu Laurente, Jima Baja at Milenino Anduyan matapos yumuko sa kani-kanilang second-round matches.

Talo si Laurente kay Thitisan Panmod ng Thailand (0-5) sa men’s light flyweight (46-49 kg.), habang tumupi si Baja kontra kay Kim Chaewon ng South Korea via first round referee-stopped-contest sa women’s flyweight division (48-51 kg.).

Inilabas naman ni Milenino Anduyan ang buong lakas subalit hindi ito sapat para lumasap ng nakapanlulumong 2-3 dikit na desisyon laban kay Berhili Badr ng Morocco  sa men’s flyweight division (52 kg.).

 

PINOY PUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with