^

PM Sports

Pirates tinalo ang Red Lions para walisin ang first round

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa laban ng mga higante, naungusan ng Ly­ceum Pirates ang San Beda Red Lions sa hu­ling dalawang minuto para itakas ang 73-66 pa­nalo sa pagsasara ng first round ng 94th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Nagtabla sa 64-64 ay bu­mida si CJ Perez sa 9-2 atake ng Pirates sa krusyal bahagi ng laro tungo sa kanilang pang-siyam na sunod na panalo  at ihulog ang nagdedepensang Red Lions sa ika­lawang puwesto sa 6-1 marka.

Pinamunuan ni reig­ning MVP Perez ang Pi­rates mula sa kanyang 22 puntos, 13 rebounds at 3 assists para walisin ang first round elimination sa 9-0 slate.

Sa ibang laro, nilampaso ng Letran Knights ang Mapua Cardinals, 84-63, para masungkit ang pang-limang panalo at muling makabalik sa ikaapat na puwesto ka­sama ang St. Benilde Bla­zers sa parehong 5-3 kartada.

Umani ng 20 points si JP Calvo na may ka­samang 3 rebounds at 3 assists upang muling pu­masok sa win column matapos matalo ng dalawang sunod.

Bukod kay Calvo, tumulong din ng triple-double performance si Bong Quinto sa kanyang 12 puntos, 10 rebounds at 11 assists, habang may 15 puntos at 14 rebounds naman kay Larry Muyang para sa tropa ni coach Jeff Na­pa.

“Na-address na namin ‘yung mga mista­kes namin sa past two games,” sabi ni Napa.

Nag-ambag naman sina Bon­bon Batiller at Christian Fajarito ng 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa Letran.

Sa juniors division, tinambakan ng Mapua Red Robins ang Letran Squires, 83-63, upang ma­sungkit ang pang-pitong panalo at manatili sa ikalawang puwesto sa pagtatapos ng first round.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with